Alok na gawing drug czar si Robredo, huwag idaan sa media exposure

Pumalag ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa panibagong alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ito ng pwesto sa gabinete para tutukan ang war on drugs campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo – handang tumulong ang pangalawang pangulo sa naturang kampanya kung dadaanin ito sa maayos na usapan at hindi idadaan sa media.

Giit ni Gutierrez – mabuti ng malinaw ang plano ng pangulo dahil baka kay Robredo lang ibuntong ang sisi ang patuloy na problema sa ilegal na droga ng bansa.

Dagdag pa ni Gutierrez – dapat ring malinaw sa kasulatan kung isusuko ba ng Pangulo na pamunuan ang Philippine National Police (PNP) na nagpapatupad ng kampaniya kontra ilegal na droga.

Facebook Comments