Malugod na tinanggap ng Department of Transportation (DOTr) ang ride-sharing service na nag-aalok ng alternatibong paraan ng pagko-commute sa Metro Manila.
Ang Ascent ay isang ride-sharing platform na naka-disenyo para sa urban air mobility.
Kaya nitong maghatid ng pasahero sa NAIA, Mandaluyong, Makati, Taguig, Quezon City, maging sa Clark sa Pampanga at Tagaytay sa Cavite.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Tamayo – katuwang nila ang Ascent sa infrastructure projects at transformational initiatives ng DOTr at attached agencies nito, na layuning mapabuti ang mobility at connectivity ng mga Pilipino.
Ang paggamit ng kanilang serbisyo ay kayang bawasan ang travel time sa greater Manila area ng hanggang 70%.
Facebook Comments