Alok na “libreng sakay” sa Valenzuela City, ititigil na ng pamahalaang lokal

Photo Courtesy: Valenzuela City | Facebook

Simula bukas ay ihihinto na ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang lahat ng biyahe ng libreng sakay sa lungsod.

Ito’y matapos magbukas ng karagdagang ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) para sa mga pampublikong transportasyon.

Naglabas na ng abiso ang pamahalaang lokal para sa kaalaman ng mga residente sa lungsod.


Una nang nag-deploy ng mga sasakyan ang lokal na pamahalaan simula pa noong buwan ng Hunyo para magbigay ng “libreng sakay” na serbisyo sa mga taga-Valenzuela City.

Ginawa ito ng Local Government Unit (LGU) dahil nahihirapan ang manggagawa at empelyado sa pagpasok sa trabaho dahil sa kawalan ng transportasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments