Alok na limang libong Moro National Liberation Front fighters na tutulong na labanan ang Maute group, tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Inaasahan na ang pagsali ng Moro National Liberation Front (MNLF) fighters sa operasyon ng militar laban sa Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Duterte, mismong si MNLF Founding Chairman Nur Misuari ang sumulat sa kanya at inilalok ang nasa 5,000 fighters na sasali sa operasyon ng Armed Forces pf the Philippines.

Aniya, maganda ang alok ni Misuari at kanya itong tatanggapin at bibigyan ng kaukulang pasahod, benepisyo at maging pabahay ang mga MNLF fighters na magiging sundalo na ng Pilipinas.


Sa ngayon, hinihintay pa ng pangulo kung tatangapin rin ng moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng New People’s Army (NPA) ang kaniyang imbitasyon na sumali sa paglaban sa mga Maute group.
DZXL558

Facebook Comments