Manila, Philippines – Suportado ng Department of National Defense (DND) ang ipinatutupad na peace and security agenda ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na tinutukoy ng pamunuan ng Defense Department ay ang alok na pabahay at kabuhayan ng pangulo sa mga susukong miyembro ng New People’s Army.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang alok na disenteng pamumuhay ng Pangulo sa mga rebelde ay patunay na seryoso ang Pangulo sa kanyang adhikain magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.
Dahil dito maging ang Defense Department ay hinihikayat ang mga miyembro ng NPA na ihinto na ang kanilang mga iligal na aktibidad at bumalik loob na sa pamahalaan.
Sa ngayon sinabi pa ni Lorenzana na marami na ang nagkusang loob na sumuko sa gobyerno.