Alok na posisyon kay Robredo, isang patibong

Manila, Philippines – Hindi katanggap-tanggap para kina opposition Senators Leila De Lima at Francis Kiko Pangilinan ang posisyong ibinibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Sa tingin ni De Lima ito ay isang patibong para insultuhin si VP Leni kasunod ng kanyang mga kritisimo sa war on drugs.

Punto pa ni De Lima, layunin din ng hakbang ng Pangulo na ipabalikat kay Robredo ang responsibilidad sa ikinasang sablay na kampanya laban sa ilegal na droga.


Diin ni De Lima at Pangilinan, malinaw ang motibo sa pagbibigay ng posisyon kay Robredo na hindi sapat at hindi epektibo para solusyunan ang problema sa ilegal na droga.

Naniniwala si Pangilinan na layunin nitong ipitin at patahimikin ang Bise Presidente na tumututol sa araw-araw na patayan ng mahihirap habang pinapalusot ang mga ninja cops, ninja sa customs at mga sindikato ng droga.

Facebook Comments