Alok na posisyon ng palasyo kay dating PNP Chief Torre, wala pa ring linaw

Nakabinbin pa rin ang kapalaran ni dating Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre kaugnay sa alok na posisyon ng Malacañang.

Matatandaang sinabi noon ng palasyo na may ibibigay na bagong tungkulin kay Torre at hinihintay na lamang pagtanggap nito pero hanggang ngayon ay wala pa ring pinal na anunsyo.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro na hintayin na lang kung ano ang magiging desisyon ng pangulo.

Inalis ni PBBM si Torre sa pagiging hepe dahil sa pagsuway nito sa National Police Commission (NAPOLCOM).

Samantala, inamin naman ng dating PNP chief na pinag-iisipan na niyang mag-early retirement.

Facebook Comments