Alok na technical assistance ng UN, malugod na tinanggap ng Malacañang

Photo Courtesy: United Nations

Malugod na tinanggap ng Malacañang ang alok na technical assistance ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Pilipinas sa gitna ng umano’y pagpatay at paglabag sa karaptang pantao sa ilalim ng admistrasyong Duterte.

Nabatid na in-adopt ng UNHRC ang resolusyong magbigay ng technical cooperation at capacity-building sa human rights sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapasalamat sila sa hakbang na ito ng UNHRC.


Aniya, tama lamang ang ginagawa ng international body.

Patunay ito na tiwala pa rin ang UNHRC sa mga institusyon para mapanagot ang mga lumalabag sa karapatang pantao.

Pagtitiyak ni Roque na makikipagtulungan ang Palasyo sa UNHRC.

Bukas aniya ang pamahalaan sa anumang kooperasyon lalo na sa mga mahahalagang isyu tulad ng human rights.

Facebook Comments