Alok ng mga simbahan na gamitin ang kanilang pasilidad para sa pagpapabakuna, ikinalugod ng Palasyo

Ikinalugod ng Malacañang ang alok ng mga simbahan na gamitin ang kanilang mga pasilidad para sa posibleng lugar na maaaring gamitin ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukas silang tanggapin ang alok ng mga Obispo at tiniyak na naghahanda na ang pamahalaan sa paglulunsad ng vaccination.

Isinasapinal na lamang aniya ang vaccination plans, kabilang sa kung paano ito ang magiging distribusyon nito.


Matatandaang nag-alok ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang church facilities bilang vaccination sites para tulungan ang gobyerno sa pagsasagawa ng immunization campaign na nakatakdang simulan sa susunod na buwan.

Facebook Comments