Alokasyon ng Angat Dam para sa irigasyon, babawasan sa Mayo – NWRB

Simula sa mayo, babawasan ng National Water Resources Board ang alokasyon ng Angat Dam para sa irigasyon.

Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr., mula sa 35 cubic meters ay gagawin nalang itong 10 cubic meters.

Paliwanag ni Sevillo, kailangan kasing bantayan ang lebel tubig sa dam lalo na ngayong tag-init.


Kapag nakaranas anya ng sapat na pag-ulan sa angat ay babalik naman sa normal ang alokasyon para sa irigasyon.

Facebook Comments