Alokasyon ng bakuna sa Northern Mindanao, kailangang dagdagan

Hiniling ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Inter-Agency Task Force o IATF na dagdagan ang alokasyon ng COVID-19 vaccine sa Northern Mindanao kung saan nakakaalarma ang biglaang pagtaas ng COVID-19 cases.

Naniniwala si Zubiri na ang paglobo ng COVID cases sa rehiyon ay resulta ng mga bagong variant ng COVID-19 na nakapasok dahil sa maluwag na pagbiyahe sa bawat rehiyon at bawat lungsod.

Pinuna rin ni Zubiri ang kawalan ng pinatutupad na minimum testing o quarantine sa mga dumarating na mga pasahero na sakay ng barko o eroplano kaya’t hindi nalalaman kung COVID free ang mga pumapasok sa iba’t ibang probinsya sa Northern Mindanao.


Iginiit din ni Zubiri ang pangangailangan sa istriktong pagpapatupad ng health protocols dahil kapansin-pansin na hindi nasusunod ng mahigpit ang pagsusuot ng face mask at face shield, gayundin din ang pagsasagawa ng social distancing.

Dismayado si Zubiri na marami ang pasaway dahil inaakala nila na hindi mangyayari sa mga probinsya ang paglobo ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

Umaasa si Zubiri na puspusang pakikilusin ng IATF ang counterparts nito sa iba’t ibang rehiyon upang maproteksyunan ang mamamamayan laban sa nakakabahalang pagdami ng nahahawaan ng virus.

Facebook Comments