Alokasyon ng ICU beds para sa COVID-19 sa mga private hospitals, pinadaragdagan ng DOH

Ipinag-utos ngayon ng Department of Health (DOH) sa mga private hospitals sa bansa na i-expand ang kanilang alokasyon ng Intensive Care Unit (ICU) beds para sa mga COVID-19 cases.

Kasunod na rin ito ng mga reports na ilang pagamutan sa bansa ang nasa full capacity na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay DOH Secretary Francisco Duque III, natuklasan nila na ilang private hospital ang hindi sumunod sa itinakda nila na 30% minimun ICU bed allocation para sa COVID-19 cases.


Bunsod nito, inatasan na ni Duque ang bagong talagang si DOH Undersecretary Leopoldo Vega na imonitor kung susunod ang mga pribadong ospital sa kautusan.

Samantala, ipinag-utos na rin ng kalihim sa mga pampublikong ospital sa bansa na dagdagan ng 60% ang kanilang alokasyon ng mga ICU beds.

Una na kasing inihayag ng DOH na ang utilization rate ng mga ward at isolation bed para sa COVID-19 cases sa Metro Manila ay nasa 75% o nasa “Danger Zone Level” na.

Facebook Comments