Dumating na kagabi sa Lungsod ng Navotas ang 7,020 doses ng Pfizer vaccine na inilaan ng gobyerno.
Ang mga doses na ito ay katumbas ng 3,510 na mga residenteng mababakunahan.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, nakahanda ang ultra-low freezer sa Navotas Polytechnic College na magsisilbing cold storage ng bakuna.
Para kasi mapanatili ang bisa ng Pfizer vaccine ay dapat nasa -70 hanggang -80 ang temperatura ng cold room.
Sinabi pa ng Alkalde na sa survey na ginawa ng lungsod noong Enero, lumabas na Pfizer ang number 1 choice ng mga Navoteño.
Nagpasalamat naman si Tiangco sa pamahalaan para sa pagbibigay sa siyudad ng alokasyon ng Pfizer vaccine.
Facebook Comments