Target ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ilaan muna ang produksyon ng asukal sa susunod na taon para lamang sa bansa.
Ayon kay SRA acting Administrator David Alba, inatasan sila ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na agad magpasa ng Sugar Order No. 1, na magtatakda para sa alokasyon ng produksyon ng mga asukal.
Hahatiin ng Sugar Board ang klasipikasyon ng alokasayon ng asukal sa apat, kung saan nasa classified “A” ang para sa quota ng US, habang nasa classified “B” naman ang domestic consumption, classified “C” ang mga reserbang asukal, at classified “D” ang para sa world market.
Samantala, magiging prayoridad naman para sa bansa ang makukuhang produksyon ng asukal para sa taong 2022-2023 na nasa ilalim ng classified “B”.
Sa ngayon sinabi ni Alba, na ang Sugar Order No. 1 ay dadaan pa rin sa konsultasyon at sa lahat ng stakeholders nito.