Alokasyon ng tubig sa Metro Manila at kalapit probinsya, mananatili sa 36 Cubic Meter per second

Hindi pa rin ibabalik ng National Water Resources Board (NWRB) sa 46 Cubic Meters per second ang alokasyon ng tubig sa Maynilad at Manila Water.

Ito ay kahit malapit nang umabot sa 160 Meters na normal operating level ang tubig sa Angat Dam.

Ala una ng hapon kahapon nang umabot sa 159.91 Meters ang antas ng tubig sa Dam na halos dalawang metro ang itinaas sa loob ng tatlong araw.


Pero ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., mananatili pa rin sa 36 Cubic Meters per second ang alokasyon nila sa mga Water Concessionaire.

Dapat muna kasing matiyak na magiging stable at magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng tubig sa Dam.

Dahil dito, ayon pa kay David, asahan pa rin ang mga Water Service Interruption.

Facebook Comments