Simula ngayong araw, babawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr. – mula 46 cubic meters per second, gagawin nilang 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Kamaynilaan at mga karatig lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad at Manila Water.
At sa June 22, kung kailan inaasahang bagsak na sa critical level na 160 meters na ang dam, magbabawas na naman ng alokasyon kaya asahan na aniya ang water service interruptions.
Kaugnay nito, umapela si MWSS Administrator Reynaldo Velasco sa publiko at sa Local Government Unit (LGU) na makiisa sa pagtitipid sa tubig.
Pinaalalahan din ng MWSS ang mga water concessionaire na tiyaking masusunod ang kanilang water service schedule.