Babawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyong tubig sa mga consumer sa Metro Manila.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam dulot ng epekto ng El Niño phenomenon o panahon ng tag-tuyot.
Ayon sa NWRB, patuloy ang monitoring nila sa Angat Dam dahil malapit na itong sumagad sa 200-meter water elevation.
Umaabot sa 212 meters ang normal high water elevation ng Angat.
Ayon sa ahensiya, nananatiling nasa 50 cubic meters ang alokasyon ng tubig ng Angat Dam sa buong Metro Manila hanggang April 15 at simula April 16 ay ibaba na nila sa 48 cubic meters ang alokasyong tubig ng Angat para sa Metro Manila.
Ang Dam ang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.
Facebook Comments