Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, dinagdagan ng NWRB

Nagdagdag ng alokasyon ng tubig ang National Water Resources Board (NWRB) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nakalaan sa Metro Manila at kalapit na probinsya.

Ayon kay NWRB Executive Dir. Sevillo David, ito ay para mapatatag ang supply ng tubig ngayong may kinahaharap na problema sa COVID-19.

Bukod pa dito, tiyak aniya na mataas ang demand sa tubig dahil sa mainit na temperature.


2 cubic meters per second ang dagdag sa alokasyon na ngayon ay nasa 48 cubic meter per second.

Sa kabila nito, apela ni David sa publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig upang umabot pa sa dulo ng taon ang supply ng Angat Dam at iba pang dam.

Facebook Comments