Pinag-aaralan na ng National Water Resources Board (NWRB) na itaas ang alokasyon ng tubig para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) simula sa susunod na buwan.
Ang NWRB ang nagbibigay ng tubig sa MWSS mula sa Angat Dam at ang MWSS ang magdi-distribute ng tubig sa mga Maynilad at Manila Water.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David – inaasahang aangat na ang lebel ng tubig sa Angat Dam bunsod ng mga ulang ibabagsak ng mga bagyo.
Kapag nagkaroon aniya ng development sa huling linggo ng Hulyo ay tiyak na magkakaroon ng adjustment sa Agosto.
Pero sa ngayon, mananatili pa rin ang alokasyong 36 cubic meters per second.
Sa huling tala, nasa 161.08 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam, na siyang nagsusuplay ng 96% ng Metro Manila.