Alokasyon sa distribusyon ng gasolina sa mga pagamutang naapektuhan ng kalamidad, pinatututukan ni PBBM

Unang pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng alokasyon ng gasolina sa mga ospital.

Ito’y sa gitna ng mga ulat na bumaba ang fuel supply sa oil depot sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ayon sa pangulo, kailangan na may gasolina para sa generator sets ng mga pagamutan para magtuloy-tuloy ang operasyon nito.


Kailangan din aniyang tiyakin na may supply ng gasolina ang ang mga tanggapang rumiresponde sa mga kalamidad.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang Department of Energy (DOE) sa mga oil company na unahin ang distribusyon nito sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Facebook Comments