Alokasyon sa MWSS, 36 cubic meters per second pa rin kahit tumaas na ang lebel ng tubig sa Angat Dam

Hindi babaguhin ng National Water Resource Board (NWRB) ang alokasyon nito ng tubig para sa MWSS at mga water concessionaires.

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagtaas ng water level sa Angat Dam.

Ala una ng hapon kahapon, tumaas sa 160.84 meters ang lebel ng tubig sa Angat.


Pero ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr. – mananatiling 36 cubic meters per second alokasyon ng tubig hanggang matapos ang Hulyo.

Nabatid na 46 cubic meters per second ang regular water allocation sa MWSS.

Facebook Comments