Alokasyon sa personal expenses at maintenance and other operating expenses, ipinarerepaso ng isang senador

Pinare-review ni Senate Committee on Finance Chairman Grace Poe ang alokasyon sa Personal Expenses (PS) at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng 2025 National Expenditure Program (NEP).

 

Ayon kay Poe, tulad kay Senator Cynthia Villar ay nababahala rin siya sa 65.8 percent na alokasyon para sa mga item na ito na hindi hamak na mas mataas sa nakasanayan na 55 percent na alokasyon sa budget.

 

Sinabi ni Poe na maituturing na “red flag” ang biglang pagtaas ng pondong inilaan para sa PS at MOOE sa ilalim ng 2025 national budget.


 

Ito ay dahil 35 percent na lamang ang maiiwan na alokasyon para sa capital expenditures at iba pang proyekto na maaaring makapagdala ng malaking epekto sa buhay ng taumbayan.

 

Tiniyak ni Poe na hihimayin nila ng husto ang budget at titiyakin na ang spending plan ng pondo ay makapagbibigay ng malaking impact sa buhay ng mga tao lalo na sa mga mahihirap na mas nangangailangan ng tunay na serbisyo.

Facebook Comments