ALOKASYONG COVID-19 ALLOWANCE PARA SA MGA BARANGAY HEALTH WORKERS, SINIMULAN NANG IPINAMAHAGI NG LGU MANGALDAN

Matagumpay na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang isang alokasyong kabayaran o allowance para sa mga frontliners partikular na sa mga Brgy. Health Workers sa bayan noong kasagsagan ng pandemya.
Ang nasabing alokasyon ay ang One COVID-19 Allowance Information System (OCAIS) na binudgetan ng LGU kung saan ito ay nakapaloob at alinsunod sa DOH Administrative Order No. 2022-001 na Guidelines for COVID-19 Risk Exposure Classification of Healthcare Workers.
Makakatanggap ang isang BHW ng isang Barangay kung ito ay mayroong aktuwal na partisipasyon at exposure sa kampanya at aktibidad ukol sa COVID-19 Response.

Ang mga BHW na nasa high risk areas ay tatanggap ng P9,000, nasa medium risk areas ay P6,000 at P3,000 naman para sa mga nagtatrabaho sa low risk areas.
Una nang tumanggap ng tig- P6,000 ang anim na barangays sa bayan na Brgy. Gueguesangen, Poblacion, Bari, Anolid, Inlabo at Malabago kung nakatakdang tumanggap ang ilan pang mga barangay sa mga susunod na araw.
Samantala, pinasalamatan ng Municipal Health Officer na si Dr. Larry Sarito at ng alkalde ng bayan na si Mayor Bona De Vera ang mga benipisyaryong BHWs sa kanilang hindi matatawarang serbisyo noong panahon ng pandemya. |ifmnews
Facebook Comments