Binawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyong tubig nito para sa Metro Manila.
Mula 50 cubic meters per second, ibinaba ito sa 49 cubic meters per second.
Sinimulan itong ipatupad noong may 16 na tatagal hanggang May 31.
Sa kabila nito, tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Carlos Primo David na hindi ito magreresulta ng water interruptions.
Posible aniyang bawasan ang pressure ng tubig sa mga gripo kahit sa araw.
Una nang nagpatupad ng bawas-pressure ang Maynilad at Manila Water tuwing off-peak hours o mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.
Kahapon, bumaba pa sa 181.59 meters ang water level sa Angat.
Samantala, ibinaba rin ng NWRB sa 12 cubic meters per second ang alokasyong tubig para sa irigasyon.