ALS Student, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

141

*Cauayan City, Isabela-* Huli ang isang estudyante ng Alternative Learning System (ALS) matapos kumagat sa isinagawang Drug buybust operation ng mga otoridad kahapon sa isang motel sa Lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang suspek na si Raniel Keith Fabroa, 21 anyos, binata at residente ng Zone 5, Larion Bajo, Tuguegarao City.


Sa nagpositibong transaksyon ay nabili ng isang poseur buyer mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakuha rin mula sa pag-iingat ng suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang libong piso na marked money, isang unit ng cellphone at isang unit ng motorsiklo.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon habang ipinasakamay na sa PDEA RO2 ang mga nakumpiskang droga para sa laboratory examination.

Facebook Comments