Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga elemento ng kapulisan at BFP sa nangyaring sunog sa loob ng chapel ng San Isidro de Labrador sa Brgy Labu Labu Shariff Aguak alas 9 ng gabi noong Npvember 9.
Sinasabing lumiyab ang altar sa di malamang dahilan resulta ng pagkakasunog ng ilang mga mahahalagang gamit sa loob ng simbahan tulad na lamang ng imahe ni Hesus at bibliya.
Palaisipan pa din ngayon ang insidente at inaalam kung anu ang naging dahilan ng sunog ayon pa sa inisyal na impormasyong nakuha kay SFO1 Alonto Blaim , Investigator ng BFP Shariff Aguak.
Inaalam din ang posibilidad kung sinadya ito o aksidente dahil na rin sa namataang pagsira ng cyclone wire na nagsisilbing bintana ng sambahan sa report namang nakuha mula sa hepe ng kapulisan na si PCIns Armado Liwan.
Ikinalungkot naman ng mga mananampalatayang katolika ang nangyari sa chapel.