Alternatibo sa Maharlika Investment Fund, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano

Inirekomenda ni Senator Alan Peter Cayetano na isulong na lamang ang infrastructure investment fund kapalit ng kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Ayon kay Cayetano, bakit hindi na lamang magkaroon ng isang platform tulad ng kanyang suhestyon kung saan maaaring mag-invest ang isang Juan dela Cruz sa mga proyekto at makakuha pa ng pwesto sa board.

Tinukoy ni Cayetano ang mga infrastructure projects tulad ng skyways at highways na aniya’y wala pang nalulugi sa ganitong proyekto.


Sa paraang ito ay makakakuha rin naman ng parehong resulta tulad ng Maharlika Investment Fund na may kaakibat na safeguards.

Samantala, dahil sa maraming ibinabatong isyu sa sovereign wealth fund, iginiit ni Cayetano sa Senado na pansinin ang sentimyento ng publiko sa kontrobersyal na panukala.

Dagdag pa ng mambabatas na kahit maganda ang layunin ng panukala ay marami pa ring negatibo ang pagtingin dito dahil sa pagdududa sa tunay na intensyon ng panukalang batas.

Facebook Comments