
Muling nagpaalala sa publiko ang Energy Department kaugnay sa mga alternatibong mapagkukuhanan ng enerhiya kapag tag-ulan.
Hindi kasi maiwasan na magkaroon ng brown-out lalo na’t kapag may bagyo ay naapektuhan ang ilang transmission line lalo na ang mga kable ng kuryente na hindi rin nakakaligtas sa malakas na hangin at ulan.
Ayon sa Department of Energy (DOE), maiging magtabi ng power bank, flashlight at solar rechargable light bilang back-up kung sakaling magkaroon ng power interruption.
Iwasan din ang mga pagsasaayos ng mga kable ng kuryente lalo na kung basa o nakabagsak ito, maigi umanong patayin ang main switch kapag may nakaambang pagbaha, may tumutulong tubig sa bubong para maiwasan ang pagkakuryente.
Samantala, tiniyak naman ng ahensya na may sapat na suplay ng kuryente kahit pa nararanasan ang sunod-sunod na bagyo sa bansa at epekto ng habagat gaya ng malakas na mga pag-ulan.









