Cauayan City, Isabela- Ikinatuwa ng pamunuan ng City Environment and Natural Resources sa Santiago City ang ginawang eco-friendly way ng isang opisyal ng barangay sa pamamahagi ng pangunahing pagkain sa isang Sitio sa Barangay Mabini.
Ayon kay Kagawad Joseph Cortez, imbes na nakalagay sa plastic ang ipamimigay nitong mga relief ay minabuti niyang magdala na lamang ang mga residente ng kaldero bilang alternatibong lalagyan.
Sa kabila nito, napanatili pa rin ang pangangalaga sa kalikasan kahit na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Lungsod.
Nagpapasalamat naman ang ilang residente dahil sa kanilang natanggap mula sa opisyal.
Samantala, mas pinaigting pa rin ang pagbabantay sa lahat ng checkpoint sa lugar upang mapanatili na hindi na muling magkaroon ng positibong kaso ng COVID-19 matapos magnegatibo ang health worker sa kanilang barangay.