Alternatibong pagkukunan ng suplay ng kuryente, dapat pagtutuuunan ng susunod na administrasyon

Iginiit ni Senator Imee Marcos sa susunod na administrasyon ang kahalagahan na pagtutunan ang iba pang alternatibong mapagkukunan ng supply ng kuryente.

Pangunahing binanggit ni Marcos ang wind, solar at nuclear plant na pangunahing pwedeng pagkunan ng enerhiya sa bansa.

Inihalimabawa ni Marcos ang kanilang lalawigan na Ilocos Norte na naging matagumpay sa paggamit ng solar at wind farms matapos suspindihin noong nakaraang taon ang pagtatayo nito ng maraming coal-fired power plants.


Diin ni Marcos, patunay ito na uubra ang paggamit ng ‘renewable energy’ sa buong Pilipinas.

Unang umapela si Marcos sa pamahalaan na tiyaking palaging sapat ang suplay ng kuryente sa bansa lalo na tuwing tag-init kung kelan malakas ang demand sa enerhiya gayundin sa panahon ng eleksyon.

Facebook Comments