ALTERNATIBONG SOLUSYON | Paghuhugutan ng bigas para relief goods sakaling kailanganin, pag-uusapan pa ng NFA Council

Manila, Philippines – Pag-aaralan pa ng National Food Authority Council kung saan huhugot ng bigas sakaling mayroong tumamang kalamidad sa bansa.

Ito ang sinabi ni NFA Council Chairman at Cabinet Secretary Leoncio Jun Evasco sa harap narin ng balitang wala nang supply ng NFA rice sa mga bodega ng NFA sa buong bansa.

Ayon kay Evasco, sa briefing sa Malacanang, kailangang magkaroon ng proactive action dito ang Pamahalaan bago pa man magkaroon ng isang kalamidad kung saan kakailanganing mamigay ng Pamahalaan ng mga relief goods at kasama doon ang 5 kilong bigas kada pamilya ng mga nasalanta ng kalamidad.


Sinabi Evasco na isa ito sa mga kailangang pag-usapan at pagdesisyunan ng NFA Council dahil isa itong bagong development na kailangang tugunan.
Sa ngayon aniya ay nasa 200,000 sacks na lamang aniya ng bigas ang mayroon ang NFA sa buong bansa at ito aniya ay tatagal lang ng 0.35 days o walang isang araw.

Facebook Comments