ALU, nais na i-mobilize ng gobyerno ang fleet vehicles nito para sa mga manggagawang walang masakyan

Umapela ang labor group na Associated Labor Unions (ALU) kay Pangulong Rodrigo Duterte na paganahin ang fleet ng service vehicles ng gobyerno para ihatid ang mga nagtatrabaho sa mga small and micro businesses na walang sariling transport service.

Ayon kay ALU National Executive Vice President Gerard Seno, pwedeng i-deploy ng gobyerno ang passenger trucks at service buses ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na malimit ginagamit sa panahong may kalamidad.

Ito ay maliban pa sa fleet ng mga kotse o sasakyan na nakatengga lamang sa iba’t ibang government agencies, departments at mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC).


Ang kailangan lamang aniyang gawin ay makipag-ugnayan ang mga may-ari ng mga small business sa mga kaukulang ahensya para sa pagsasaayos ng pang mga ruta sa pag-pick-up ng mga empleyado.

Sa pamamagitan aniya nito ay parehong maisasalba ang mga naghihingalong maliit na negosyo at mga empleyado na nawalan ng kita sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments