ALU-TUCP, aminadong suntok sa buwan ang hirit nilang P710 na dagdag-sahod sa mga manggagawa

Aminado ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na “suntok sa buwan” ang inihihirit nilang P710 na umento sa sahod ng mga manggagawa.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay,  alam nilang hindi ibibigay ng mga employer ang ganitong kalaking sweldo.

Pero aniya, paraan nila ito para ipakitang ito ang kasalukuyang pangangailangan ng mga Pilipino para magkaroon ng mataas na antas ng pamumuhay.


Hindi rin naniniwala si Tanjusay sa sinasabi ng mga negosyate na ngayon lang sila nakakabawi ng kita kumpara noong nakaraang Administrasyon kaya malabo nilang maibigay ang hirit na wage increase.

Kasabay nito, inamin din ni Tanjusay na nasorpresa sila dahil walang imbitasyon mula sa Malacañang para sa tradisyunal na labor dialogue tuwing Mayo a-Uno.

Tila nawalan na aniya ng gana si Pangulong Duterte sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawa dahil masyado na itong nakampante sa kanyang posisyon.

Facebook Comments