Kinondena ng Trade Union Congress of the Philippines si Labor Secretary Silvestre Bello III dahil sa pangunguna nito sa pagsuporta sa mistulang pagkampi pa sa “no jab, no work” at “no jab, no pay” policy
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, isa itong tuwirang pagbalewala sa naunang posisyon ng Employers’ Confederation of the Philippines na dapat irespeto ang employee’s right para sa boluntaryong pagpapabakuna kontra COVID-19.
Ginawa ni Tanjusay ang pahayag kasunod ng paninidigan ng kalihim na ang mga restaurants, spas at iba pang serbisyo na nasa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) Alert Level 3 ay pwedeng magpatupad ng ‘no work, no pay’ para sa unvaccinated employees alinsunod na rin sa Oct. 13 guidelines.
Ayon kay Bello, bagama’t may mga batas na nagbabawal na gawing requirement ang vaccine cards sa employment, mayroon namang IATF guidelines na nagi-exempt sa ilang establishments.
Taliwas rin aniya ito sa opinion ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi pwedeng gawing kondisyon ang vaccination status para sa employment.
Ayon sa TUCP, lilikha ito sa banggaan ng mga employees at employers na magreresulta upang higit na sumadsad ang Pilipinas sa global ranking ng mga bansang hindi nagpoprotekta sa mga manggagawa.