Iginigiit ngayon ng labor federation na Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TCUP) sa gobyerno na bigyan ng labor and occupational safety at health standards protection ang lumalawak na motorcycle app-based riders sa bansa.
Ginawa ni National Executive Vice President of Labor Federation Associated Labor Unions Gerard R. Seno ang panawagan matapos mag-rally sa harap ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa 400 riders mula sa Foodpanda Riders Association.
Inirereklamo ng grupo ang hindi makatwirang new grading work payment scheme ng kompanya.
Aniya, maituturing na vulnerable workers ang mga motorcycle riders magmula nang nauso ang online selling apps sa gitna ng pandemya.
Gayunman, sa ngayon ay walang batas o polisiya na titiyak sa kalagayan at interest ng grupong ito
Panawagan ni Seno, magpanday ng batas ang Kongreso na magtatakda ng standard wages at social protection benefits sa naturang economy workers.