ALU-TUCP, iginiit na nakadepende ang mga manggagawa sa 13th month pay at Christmas bonus sa gitna ng big time price hike sa pagkain, fuel at LPG

Nagpa-alala ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa mga employer na ibigay na ang kanilang 13th month pay at Christmas bonus payout.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, nakadepende rito ang mga manggagawa para makaagapay sa nararanasang bigtime oil price increases na nagdudulot ng pagtataas ng presyo ng pangunahing pagkain at LPG.

Aniya, marami sa mga manggagawa ay naiutang na in advance ang kanilang 13th month pay upang makatugon sa lumalaking gastusin ng pamilya sa gitna ng pandemya.


Sa pagtaya ng ALU-TUCP, titindi pa ang sitwasyon sa mga susunod na linggo na magdudulot ng signipikanteng dagdag na pabigat sa mga manggagawa.

Ani Tanjusay, patuloy na lumiliit ang purchasing power ng mga manggagawa habang labing siyam na buwan nang nakapako ang kanilang sahod.

Ipinaalala ni Tanjusay na itinatakda ng 13th-Month Pay Law, na dapat ay maibigay ng mga employers sa mga rank-and-file employees ang kanilang 13th-month pay in cash bago ang December 24 ng kada taon.

Facebook Comments