ALU-TUCP, ikinagalak ang desisyon ng DTI at DOLE na alalayan ang mga Small and Medium Enterprises sa isyu ng 13th month pay

Ikinalugod ng labor group Associated Labor Unions (ALU) ang desisyon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na basagin na ang deadlock sa isyu ng 13th month pay payment.

Ayon kay Associated Labor Unions National Executive Vice President Gerard Seno, mabubuhayan ng loob ang milyong empleyado na nanlumo nang mapabalita na posibleng hindi na maibigay ang kanilang 13th month pay.

Wini-welcome naman ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang kahandaan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng DOLE na magkaloob ng loan facility sa murang interest ang mga maliliit na negosyo o kumpanya upang makatupad ito sa kanilang obligasyon.


Sinabi ni TUCP Party-list Representative Raymond Mendoza, kahit paano may pangtulong pambili ng pang-noche buena ang mga manggagawa at kanilang pamilya ngayong pasko.

Ayon pa sa ALU- TUCP, isa itong positive development na nagpapakita na ng pagkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng labor, business at ng gobyerno na susi upang madaling maresolba ang anumang isyu sa paggawa.

Facebook Comments