Idinulog ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines sa Banking Industry Tripartite Council palagiang shortage ng 100-peso bills sa tuwing mag-wi-withdraw sila ng sahod gamit ang kanilang payroll Automated Teller Machines (ATM).
Ayon kay Alan Tanjusay, Spokesperson ng ALU-TUCP, pakiramdam ng mga manggagawa ay naiisahan sila dahil hindi tuloy nila mailabas ang P400 at P900 sa mga ATMs na naiipit sa loob ng labin-limang araw.
Ani Tanjusay, bagamat maliit lamang itong halaga pero malaki para sa mga maliit na manggagawa na hirap na maitawid ang gastusin ng pamilya.
Naiparating na rin ng ALU-TUCP ang isyu sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang co-chair ng BITC.
Umaasa ang grupo na aaksyunan ito ng mga bangko at i-replenish ang kanilang mga ATMs ng 100-peso bills.