Naghain ng petisyon ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa Regional Wages and Productivity Board (RTWPB) upang hilingin na itaas ng ₱410 ang arawang minimum na sahod sa Cordillera Autonomous (CAR) Region.
Ayon sa TUCP, ang kasalukuyang minimum sa Cordillera Administrative Region na mula ₱340 hanggang ₱350 kada araw depende sa lugar at kompanya ay kulang na para punan ang pangangailangan ng manggagawa at kanyang pamilya.
Ani Tanjusay, kinain na ng 5 percent na pagsipa ng inflation rate ang sahod na ito na malaking kabawasan para sa nakalaan para sa pagkain ng kada miyembro ng pamilya.
Ang CAR ay kinabibilangan ng Benguet, Baguio City, Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province
Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Allan Tanjusay, bagamat may mga kumpanya na pinadapa ng pandemya, mga mga kumita naman gaya ng malalaking industriya.
Lubhang kailangang maitaas na ang sahod sa CAR na pinatindi ng sunod sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo