ALU-TUCP, nangangambang hindi suportahan ng economic managers ni P-Duterte ang P200 subsidy

Manila, Philippines – Nangangamba ang Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na ang ine-endorso ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 200 pesos monthly subsidy para sa minimum wage workers ay hindi paboran ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, posibleng irekomenda ng mga economic managers kay Pangulong Duterte na huwag aprubahan ang sabsidiya.

Tinutukoy ni Tanjusay sina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Sonny Dominguez, Presidential Spokesman Harry Roque at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.


Kaya sinabihan ni Tanjusay ang mga manggagawa na huwag masyadong umasa sa proposed subsidy.

Umaasa pa rin ang ALU-TUCP na mauunawaan ni Pangulong Duterte na malaki ang maitutulong nito sa mga manggagawa lalo na sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments