ALU-TUCP, pina-aksyunan sa DILG ang ‘Palakasan System’ sa mga LGUs na dahilan ng kagutuman sa mga informal settlers community

Nanawagan ang isang grupo ng mga manggagawa sa DILG na silipin ang umiiral na ‘palakasan, kaalyado, kamag-anak’ system sa mga Local Government Units partikular sa  lebel ng mga alkalde at barangay units.

Ito’y kaugnay ng distribusyon ng food items at cash dole out sa mga manggagawa na walang trabaho habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay ALU-TUCP Executive Vice President Gerard Seno, ang ganitong sistema ang sanhi ngayon ng kagutuman sa mga informal settlers community katulad ng hinaing ng mga residente ng Sitio San Roque sa Bagong Pagasa QC.


Sinabi ni Seno, dapat ay makapaglagay ang DILG ng safety nets upang madaling maka-access ang mga maralita sa mga Social Amelioration programs ng gobyerno.

Tinawag din ni Seno ang pansin ng ilang mga employers na tumatangging magsumite ng listahan ng kanilang mga displaced employees.

Nagiging dahila aniya ito para hindi maka-access ng tulong ang mga manggagawa para  sana makatawid sa krisis.

Facebook Comments