Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni re-elected Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na nanuhol siya para makuha ang house speakership noong 2016.
Pinasinungalingan ito ni Alvarez at iginiit na hindi siya kailanman humingi ng suporta mula sa mga malalaking negosyo para makabalik sa liderato.
Sinabi rin ni Alvarez na wala namang aamin kung may guilty sa bribery.
Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules (May 29), hinamon ni House Minority Leader, Quezon Representative Danilo Suarez si Alvarez na isiwalat kung nanuhol siya ng ₱500,000 hanggang ₱1 million sa mga mambabatas nang tumakbo siya at nanalo sa top house post noong 2016.
Facebook Comments