Alvarez, naghamon kay Floirendo

Manila, Philippines – Naghamon si House Speaker Pantaleon Alvarez kay Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo na magharap sila 'on national TV'.

 

Puna ni Alvarez, panay gawa ng PR ang statement na inilalabas sa media ni Floirendo.

 

Giit ni Alvarez, nais nitong magharap sila dahil marami siyang tanong na kailangang sagutin ng dating kaibigan.

 

Inililigaw aniya ng kampo ni Floirendo ang isyu at masyadong personal na ang inuungkat nito.

 

Hirit pa ni Alvarez, si Floirendo ang kongresista at may kaso kaya ito ang dapat na sumagot at hindi nang kung sinu-sino.



Facebook Comments