Alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas ni PBBM at National Unity Party, magpapalakas sa pagsusulong ng mas maayos na buhay para sa mga Pilipino

Pormal nang pumasok sa alyansa para sa Bagong Pilipinas ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at National Unity Party (NUP).

Ayon kay NUP President at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang PFP-NUP alliance ay magbibigay ng oportunidad sa dalawang partido na magkasamang gumawa ng mga hakbang upang mabigyan nang mas maayos na buhay ang taumbayan.

Binigyang diin ni Villafuerte na ang NUP ay kaisa ni Pangulong Marcos sa pagnanais ng maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas kung saang walang Pilipinong maiiwan.


Ayon kay Villafuerte, nangangako ang NUP na tutulong kay Pangulong Marcos at sa kanyang administrasyon tulad ng ginawa nito sa nakalipas na dalawang taon upang mapabilis ang pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments