Alyansa ng partido nina PBBM at Sotto para sa 2025 elections, kasado na

Kasado na ang alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa darating na 2025 elections.

Sinaksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa alyansa ngayong Sabado ng gabi, na tinawag na “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.”

Dumalo rin sa naturang pagtitipon si dating senate president at NPC Chairman Vicente Sotto III, PFP President at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Araneta Marcos.


Nabatid na ang NPC ay may 4,000 miyembro, kung saan halos kalahati nito ay ang mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na kinabibilangan ng 5 senador at 38 kongresista.

Matatandaang noong May 8 ay sinelyuhan din ang alyansa ng PFP at Lakas-CMD Party na pinakamalaking power block ng Kamara na may 100 miyembro.

Ito ay bilang bahagi rin ng pagpapalakas ng pwersa sa pulitika sa harap ng nakatakdang eleksyon.

Facebook Comments