Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na importanteng mapag-aralan at muling masuri ang alyansa ng Amerika at Pilipinas kaugnay sa sitwasyon sa West Philippine Sea at Indo Pacific Region.
Sa kaniyang pakikipagpulong sa dalawang mataas na opisyal ng US, sinabi ng pangulo na mahalaga ang pagiging bukas ng komunikasyon ng dalawang bansa lalo na sa pagtugon sa maraming aspeto.
Sa pamamagitan aniya nito ay napag-aaralang mabuti ang mga aksiyon na magkasamang pinagpapasiyahan ng US at Pilipinas.
Ayon sa pangulo, lumakas pa ang kanilang alyansa dahil sa mga aktibidad ng dalawang bansa sa mga nakalipas na buwan kabilang na ang trilateral meeting na ginanap sa Washington.
Welcome rin aniya sa pangulo ang pagbisita ni US Secretary of State Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin sa gitna ng political situation ngayon sa Amerika.