Alyansa ng Pilipinas at Amerika, tatalakayin nina PBBM at US Secretary of State Antony Blinken ngayong hapon

Courtesy: Bongbong Marcos Facebook page

Magkukumustuhan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa pagbisita ng opisyal sa Malakanyang mamayang hapon

Nakatakdang talakayin ng pangulo at ni Blinken ang progreso sa bilateral ties at kapwa commitment na lalo pang palakasin ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagkamit ng parehong mga interes.

Susuriin daw ng mga ito ang regional and global developments na may epekto sa seguridad, paglago ng ekonomiya at mga hangarin.


Pag-uusapan din ng dalawa ang patuloy na pagpapalalim ng economic engagements kabilang ang Presidential Trade and Investment Mission na pinangunahan ni U.S. Commerce Secretary Gina Raimondo noong nakaraang linggo.

Layon din ng pulong na tukuyin ang konkretong mga hakbang na maaaring gawin para maipatupad ang mga direktiba nina PBBM at US President Joe Biden para matiyak na ang alyansa at partnership ng Pilipinas at Amerika ay nananatiling akma at tumutugon sa kasalukuyang mga hamon sa depensa, seguridad, ekonomiya at people-to-people spheres.

Facebook Comments