Alyansa ng Pilipinas at Japan, pinagtibay sa Washington DC

Pinagtibay ng Pilipinas ang pagpapalawak at pagpapatatag ng bilateral ties nito sa bansang Japan.

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo matapos ang bilateral meeting niya kay Japan Minister for Foreign Affairs Kamikawa Yoko.

Ayon kay Manalo, magandang pagkakataon ito para sa bansa kasunod ng trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, US at Japan ngayon sa Washington, DC.


Ang bilateral meeting ni Manalo kay Kamikawa ay ginanap bago ang trilateral summit nina Pangulong Bongbong Marcos, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at US President Joe Biden.

Pinuri naman ni Kamikawa ang Pilipinas sa pangako nito na palawakin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Bukas din aniya ang Japanese government sa pakikipag-usap para bumuo ng mga paraan para lalong lumalim ang international cooperation sa Pilipinas kabilang ang bilateral cooperation at trilateral cooperation kasama ang United States.

Facebook Comments