Alyansa ng poultry growers, tiniyak na kayang punan ang supply ng manok sa merkado

Manila, Philippines – Bumagsak sa pinakamababa na sampung piso kada kilo ang live weight na manok. Ito ay mula sa dati nitong presyo na naglalaro sa 80 pesos hanggang 90 pesos.

Sinabi ni Peter So Director ng Philippine Poultry integrated Alliance na sinasamantala ng ilang traders ang takot na bunga ng bird flu.

Umaasa naman si So na makatulong sa pagbangon ng industriya ng manukan ang pagpayag na muli ng department of Agriculture na maibiyahe ang mga poultry products na galing ng Luzon patungo sa Visayas at Mindanao.


Kahit aniya hinay-hinay ay maibalik sa matatag na presyo ang kanilang mga produkto.

Naniniwala si So na hindi na kailangang mag importng manok dahil kaya namang punan ng mga poultry farm growers sa bansa ang nawalang mga poultry products dulot ng isinagawang culling ng mga kontaminadong poultry products sa Pampanga at sa Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.

Facebook Comments