Iminungkahi ni Senator Risa Hontiveros sa gobyerno na palakasin pa ang alyansa sa mga bansang kaisa na lumalaban sa pambu-bully ng China.
Ayon kay Hontiveros, hindi maganda ang simula ng China sa taong ito dahil sa halip na panatilihin ang kapayapaan sa rehiyon, lumikha pa ito ng higit pang kaguluhan.
Aniya, dapat na sikapin ng pamahalaan ngayon na palakasin pa ang alyansa sa mga “like-minded nations” kung saan maaaring hingiin ang tulong ng kanilang mga coast guard na magpatrolya sa karagatan ng ating bansa.
Mahalaga aniyang maipakita sa China na walang “monster” ship ang maaaring makapanakot sa atin.
Nanawagan si Hontiveros na seryosohin ng pamahalaan ang ginagawa ng China dahil paulit-ulit lang na babalik ang mga barko ng Beijing kung hindi natin malalatagan ang mga ito ng angkop na hakbang.